kung sa ikabubuti nyong dalawa ang pagbabago, then, i agree na magbago nga, pero kung sa ikabubuti ng isa lang pero di ng other party, then, think about it.
pero depende rin naman yun kung ano ang gustong baguhin, yun bang pagiging mataray, sobrang kuripot, magastos, madaldal, bungangera, suplada, etc etc), ibang usapan na yon, siguro nga dapat ng baguhin.
kung puro 'sobra' naman ang dahilan, then dapat pag-isipan nga dahil lahat ng sobra ay masama.
or minsan pinapagbago dahil seloso/selosa lalo na kung malapit sa lalake si babae, or si lalake naman ang masyadong malapit sa babae.
kailangan kasi sa relationship give and take, kahit na minsan lumalabas ang pagiging wild (abnormal) ng isang tao, kailangan din lumabas yon naturally.
may mga bagay kasi sa tao na natural at mahirap baguhin lalo na kung yun na yung kinalakihan.
walang ibang makaka-solve nyan kundi kayong dalawa, pag-usapan nyo ulit at kunin ang percentage ng good and bad at disadvantage and disadvantage kung sakaling magbabago, pero kailangan parehong open-minded para magkasundo...