assignment yata to. hehe
una eh gagamit ako ng priority encoder para iconvert yung numeric keys into BCD code.then ipapasok ko sya sa latch(1st latch out of 4 latches) na may parallel shift.gagawa ako circuit na magdedetect ng key na napress after the first press para alam ko kung kelan ako magshishift ng digits.ang output ng latches eh dideretso sa input ng 7447 na sya namang magdadrive ng 7segments.(parang kilala ko sino nagpapaassignment sayo nito ah, sumbong kita, hehehe)
wala ako schematic, I think responsibility ng student ang magaral para matuto pero bibigyan kita idea...Hint:Pwede mo isearch sa net datasheet nila, minsan may sample circuit sila kung paano iconfigure.swerte ka rin kung may sample application circuit na rin74HC147 ang IC ng priority encoder, basically may 9 inputs sya representing numbers 1-9 at pag walang active inputs ang default is zero(IIRC active low sya).Ang output nya ay BCD code ng numbers mo(IIRC inverted din output nya).pwede mo na sya iconnect sa 74LS47 na nakaconnect sa common anode na 7segment para matest mo lang.ang latch(74LS194 ginagamit ko, universal shift register ito) ay isinasangat in between ng 74LS47 at 74HC147 para magawa yung shifting at latching feature.ang medyo mahirap lang para sayo dito ay magdesign ng circuit na nagbibilang kung ilang beses na nagpress ng button para icontrol ang shift ng numbers.sensya na, kung may time lang sana ako naipanggawa ko kayo circuit. ang masasabi ko lang, malaki sana edge nyo kasi nung panahon namin wala kami internet. gamitin nyo advantage ng internet sa pagreresearch.research ka na rin sa mga terms like, BCD format, active low/active high logic, negative edge triggered,
dagdag ko pa pala, I used 13 input AND gate para idetect kung may napress na key, inputs are connected sa inputs ng priority encoder(unused pins are pulled high). Ang output nya ay may konteng debounce (resistor, capacitor) at connceted sa clock input ng latches.latches are configured as parallel shift at ang output ng priority encoder ay nakakabit sa input ng 1st stage latch,this should be enough, ang kulang na lang is a way of resetting the display pagnagshift na lahat ng digits kung may questions, feel free to ask.