pero iba talaga ang determinasyon nung mga nagto-top ng board kaya bilib na bilib ako sa kanila. ayaw ko lang doon sa mga biglang lumalaki ang ulo kapag nakita ang pangalan nila doon sa Top Ten..
..dapat talaga sa pagtatake ng board ay humble lang.. dahil ndi natin alam kung ano rin ang intellectual capacity nung ibang mag-tatake.. kadalasan na nangyayari ay kung sino ung ndi kilala sila madalas ung mga nakakapasa at nag-to-top sa board..
parang chess lang iyan.. umaatake sa pag-aaral.. at dumedepensa sa attitude at sarili..
..nasa correct attitude, self discipline, divine providence at constant hardwork ang formula para jan.. at marami ding magagaling na deserving din na mag-top..
sabi nga nila.. ang matataas ay ibababa at ang nasa ibaba ay itataas..
at kung nagawang mag-top, dapat humble pa rin at hindi magyabang.. dahil ndi lang naman siya ang nag-top.. marami na rin ang nag-top sa kani-kanilang mga batch..
ang pagiging isa sa mga topnotcher ay isang honor at priveledge..
kaya dapat magsilbing inspirasyon sana sa iba kung sakaling napabilang ka sa mga pinagpala..