mga kapatid at mga bruha/impakta

eto yung handog ni Kinsa sa atin.. ginawa ko sa protoboard, pati na rin ang pag actual prototype nito gamit ang PIC 16F877-20/P ....isang meter na kayang kunin ang Equivalent Series Resistance ng isang capacitor... pinost ko nalang ito DITO para hindi masyado ma-cluttered yung isang thread.. kaya eto nah...

gamit kong 7 segment display ay isang CA red 7segment at isang CA red Double 7segment...gamit kong programmer ay ang pinaka mamahal kong pickit2

oldoh naka tulong din ang ICprog para makita ang "fuses" (naka check pala ang LVP) kaya ang unang BURN ko sa PIC, ay hindi gumana sa actual...
dito natin makikita ang SHORTING PIN, yan ang terminal for low impedance SHORT ng INPUT, meaning hindi kasali ang probe resistance..dapat meron nyan para makatulong sa calibrasyon

malapitang imahe ng metro, naka display ang 0.L , probes open


ang probes shorted, then short press sa button para ZEROed ang display
mga actual na resultaeto na actual na reading ng metro,
10R 1/4 watt
0.22R 2 watt
0.5R 2 watt
330uF 200V ElCap galing sa patay na PC PSU
2,700uF 35V galing sa isang junk na stereo
470uF 16V ElCap
47uF 16V "cheap" elcap
1.2uF 400V galing CFL na sira
NOTA: hindi sira ang capacitor, dahilan para tumaas = ay ang kanyang low capacitance value
AT MATAAS na voltahe
500nF 50V mylar
4,700uF 50V rubycon ElCap

at eto naman yung calibrasyon ng metro:
>sa pinaka unahang sandali sa pag bigay ng power sa circuito, makikita natin na nag "blink" ang "CAL"
>short press mo yung button
resulta: magtataas ang HEX value/display , hintayin na hindi na gumalaw ang value
>naalala nyo yung "shorting pin" sa circuito? i-short nyo yan , at hintayin ulit na hindi na gumalaw ang value
>short press ulit para maITAGO ang value sa EEPROM
resulta: magpapakita na siya ng "000"
>alisin ang short sa input, at lagyan ng
10R sa test probes
resulta: hintayin ulit na maging stable ang reading, pag nag hinto na, tingnan ang lumabas na resulta, dapat dito "
4CF" ang display, kung hinde, adjast nyo ang trimmer R8 at dahan dahan ipihit hanggang makuha nyo ang "
4CF" value
>short nyo ulit ang "shorting pin" at tingnan kung mag "
000" ulit.. kung medyo malayo ang value sa "
000", alis ulit ang short at i-adjast ang trimmer para makuha ulit ang "
4CF" value gamit ang 10R resistor
> kapag nagawa na, alisin ang short sa input, WAG ALISIN ANG 10R(dapat naka display na ito ng "
4CF"), at
MATAGAL NA PINDOT sa button, para maITAGO ang value GAIN ng transistor ampilfier...
>matapos ang MAHABANG PINDOT, magiging "normal" na ang display ng metro nyo at lalabas ang
10.0 (or malapit), palatandaan na naka calibate na metro nyo..
NOTA: kaya yan 10.0 kasi nakalagay pa sa probes ang 10R mo
>katapos nyan, OK na metro nyo..

short nyo nalang ang probes tapos short press button para sa
ZEROing ng metro.. gaya ng analog metro, short nyo yung probe at adjasin yung 0ohm knob para mag ZERO ang reading...
sana na-enjoy kayo dito
OT:
whew
