Help naman sa mga magagaling dyan. Sinubukan ko kasi po gumawa ng balance and volume control using this circuit. http://sound.westhost.com/pots-f7.gif Meron po ba kayo suggestions to improve it. Pati hindi ko din po alam kung para san yung 1.2k ohm resistor dun sa circuit, pa explain naman. Nilagay ko yung resistor kaso humina lang yung tunog.
Ito po ang idea ko,
1) Iyong 1.2K (R1) ay inilagay diyan para ang L_in ay hindi magiging connected sa GND kung ang Balance control (VR1) as nasa position 1. Kung ang balance control (VR1) ay nasa position 1 (ibig sabihin na ang arm ng 2 at saka 1 ay shorted, ang R1 ngayon ay connected sa GND. Kung wala ang R1, ang L_in ngayon ay connected sa GND, paano na kung wala coupling capacitor ang L_in, ang DC voltage ngayon ay connected sa GND. Oo, hihina ang signal dahil magkaroon ng "signal drop" sa R1, sa line ng Left channel.
Vice versa sa R_in, R2 --->Right channel.
2) Kung ang L_in (L_out), R_in (R_out) - ibig sabihin na walang DC voltages sa VR1 at saka VR2A/VR2B kung ito ay naka-conenct na sa circuit, - ibig sabihin may coupling capacitors ang input saka output circuit block, puwede alisin ang R1,R2, at palitan mo ng VR1 ng B50K o B100K potentiometer (kung maari, huwag A50K o A100K).
3) Most analog volume control in Tone control or amplifier, use B100K --> Linear, for those hard-core audiopiles, gumagamit ng A100K---->logarithmic para mas-pino ang adjustment sa volume. Kapag 10K kasi, mabilis ang response sa Volume / Balance kesa sa B100K.
Improvement:
1) Siguro i-incorporate mo ang Loudness countrol doon sa Volume Control para mayroon ka pa extra boost sa Low Frequency at high frequency, normally may switch iyan, Loudness on/off. Kailangan mo lang siguro ay 2 Capacitor at saka 1 isang resistor (google it for the circuit). Just be carefull sa soldering mo o kaya sa arrangement ng component mo, baka magiging source pa ng "humming".
Share us your experiment, ok.