mga master yung kulay po ng shadow nya eh white po ano po kaya ang sira nitong tv ko na sharp salamat po
mga sir master problema po sharp cinema borg nagsusuri po ako kc po ito pong tv na ito masyado po syang maliwanag yung picture tapos po yung tao may parang shadow po sya pati din po yung mga naumber sa channel nagkaka-shadow din po may anino ang letra nya pati yung pag nagvovolume ako ano po kaya ang sira nito tulong po mga master dito salamat po. GOD BLESS
hindi ko naman po nagalaw yung yoke pero talagang maliwanag sya na may shadow ang mga tao at menu channel na number pati yung parental guidance may shadow po tapos adjust ko din po ang contrast ganun padin po pinalitan ko po ng oicture tube ganun pa din pinalitan ko nf chroma ic ganun pa din pinalitan ko ng 4.7uf/250 volts cap ganun pa din po crt scket palit din ganun pa din ano pa po kaya mga master. salamat po
Color Purity and Beam Landing Adjustments tawag dun. Eto alam ko procedure. COLOR PURITY 1) Degauss mo muna harap picture tube mo 2) Hang mo RGB pins ng CRT board mo, dun na sa crt socket mismo, pero itira mo lang red gun. 3) Mapapansin mo, kapag pinapasok mo yoke, me green at blue sa magkabilang gilid ng picture samantalang dapat red ang gitna. Isagad mo, dapat pure red na picture, kapag lumabas na me ibang kulay, atras mo konti yoke, dapat pure red.(Check mo din yong 'vertical tilt', baka tabingi picture, baba mo muna vertical size, if you can). Kung ok na. balik mo na hinang ng RED and BLUE GUNS. BEAM LANDING 1) Dapat B/W ang picture. Sa mga lumang tv, ginagawa ko temporary, hina- hang ko 3.58Mhz oscillator, para mag B/W. Adjust mo yung plastic ring na nasa likod kadalasan ng yoke, kasamang nakakapit sa tubo ng crt (ingat lang, minsan marupok na yan dahil sa kalumaan ng tv). Dapat di naghihiwalay yung green, blue at red sa mga edges ng picture. Kung me pattern generator ka, mas maganda. Pero kung wala, basta me signal ka lang (TV reception o galing dvd signal via A/V), minimize mo lang yung paghihiwalay ng 3 color, concentrate sa center, kung meron sa gilid, ok na yun, di na ga'no halata kapag me kulay na yan. Pag nakuha mo na optimum adjustment, ibalik mo hinang 3,58MHz crystal. (Sa mga bagong tv, minimum mo lang color adjustment para mag B/W.)
Color Purity and Beam Landing Adjustments tawag dun. Eto alam ko procedure.