sa school din po namin dati naka ladderize curriculum kami once na me baksak ka o back subject hindi ka pweding mag enroll o mag advance take up ng subject to the next level (let say nabagsak ka ng algebra sa 1st year mo, hindi ka na makaka enroll para sa second year mo, kailanagan mo munang ipasa ang algebra) enroll ka ulit 1st year pa rin at iisang subject lang (algebra). kaya butas ng karayom daw.hindi pweding mag 2nd year habang hindi clear ang lahat ng subject ng 1st year..at halimbawa din nag shift ka ng course ay magsisimula ka ulit sa first year.. katulad ng nangyari sa akin 3rd year Elect. Eng'g nako tapos nag shift ako sa ECE balik ulit ako sa 1st year nun (ma kecredit na lang yung ibang mga subject na na take upan ko na pero 1st year level pa rin). kaya bali 8 years ako sa college (3-years electrical engineering at 5-years ECE naman).
Sir question lang po!! Bale bachelor in industrial technology and pinaka course ko pero ang major ko electronics engineering technology! Pwede po kayang ituloy ng ece un! thanks po.
sa tingin ko..depende sa school nyo..pag sinabi mo kasing ituloy, meaning ang gusto mong mangyari..kung 3 years ang course mo ngayon.. gusto mo pag nagECE ka, 4th year ka na agad at lahat macrecredit, ganun ba?lahat naman ng course pwede mong ishift sa ibang course eh..wag ka lang magexpect na madaming makrecredit..still, nakadepende yun sa subj. description.sa course mo ngayon.. may ilan ka din sigurong makrecredit since electronics ang major mo..pero madami ka pa ring itetake.
ganun po ba? sa tup ka ba nag--aaral? pwede po bang makita ung ginagamit mong curriculum na pang ece para makita ko kung anog subject ang makicredit ko! , kung pwede lang po
hindi ako TUP eh..pero kung gusto mong makita..one time..iPPm ko sayo..
May grade requirements parin ba pag mag technology courses sa TUP? (computer engineering technology and electronics engineering technology for example)medjo kapos kasi sa grades ung high school student na anak ko.
patingin din ng curriculum.eheh tignan ko kung mrami din akong maccreditsa PUP po pede, sa 3years course po kau mag inquire... dun po kc aq ngaun at npakababa din ng grades ko.
Sa Technological University of the Philippines (TUP) ....Pwede po ba... kunwari... Nagaral ka ngEsET (Electronics Engineering Technology)... pwede bang i-ladderize un..papuntang CoE (Computer Engineering)? kung pwede.. ilang taon pa bago maka graduate?? saka irregular ka na po ba pag ganun?..... And naalala ko pala.. walang "Computer Engineering" sa TUP.....So bali saan po ba maganda mag transfer?
so bale 3 -year Electonics Tech course ka sis? tapos ngaun tinuloy mong ECE and u still have 3 more years to go?bakit sa ibang university 2 years lang?