ano po ang rule na to?
May kinalaman ito sa pag iwas sa pag lagay ng focus sa subject sa center. Gaya nito:

Kung mapapansin mo, di sya center.
Eh dito, masasabi mo ba na nag aaply ang Rule of Third?

Oo, nag aaply pa din. Kasi kahit na buong frame na ang Dynamo, ang focus ko is off-center pa rin.
So papano ba ito gawin? Pag maglalagay ka ng subject sa frame, hahatiin mo through you imagination ang frame sa 9 squares... so bali parang tic-tac-toe.. then you try to place your subject or focus malapit sa mga kanto or gilid ng center square.. na-imagine mo?
Pero gaya ng sinabi ko, hindi ito rule. it is more of a guide para sa mahusay na composition.