BTW, na-post ko na 'yung link sa Application Notes ng Microchip para sa motor control. merong ganitong application doon, control ng 3 Phase motor, search mo na lang.
most of the times, kung ok na ang modulation nung PWM, 'di mo na kailangan ng external filter para sa motor. malaking inductor kasi ang motor kaya halos wala siyang makukuhang current doon sa high frequency switching (based on reactance 2 * pi * F * L). may mga nakita na akong commercial inverters na ganito, PWM sine ang makikita mo sa scope, magiging close to sine lang kapag nakakabit na 'yung motor.