Tnx uli! Update ko lang >>> nakabili na ako ng heatsink 4.5" x 12" halagang P200.
Tnx uli! Update ko lang >>> nakabili na ako ng heatsink 4.5" x 12" halagang P200. At last na testing ko na rin. Ok nga itong amp na ito malinis ngang tumunog at pag moderate lang ang sound hindi halos mag init ang power trannies. I temporary used 2 pairs muna for testing at binabad ko na ng mahigit 3hrs na tumutunog with 12"/200W woofer, ok naman lahat no trouble found. HeatSink 4.5 x 12 inchesPositioning power output TrActual testing, temporarily with just 2pairs of power Tr. 4 pieces of 1N4007 in series to form a Thermal Sensor installed at the center part of H.Z.With my diy tone control.
nice work sis!, akmang-akma sa heatsink a', how was the sound nung tone amp? nakumpleto mo na rin pala...
sa deeco mo ba sir binili? 165 lang kasi dati bili ko dyan..
Ok naman sis. Lalo pang gumanda ng ikabit ko pa yung isa ko pang tone control na may mic-echo & audio mix. Lumalakublob na nga dito kaso di ko mataasan ang volume baka mabato na ako ng kapitbahay. Maganda naman yung tunog buong-buo. Bali ang setting ko now is >>> CD player > tone control with mic & echo na may mid-range > then yung cute na tone control tapos Leach amp. Either of the two ang isagad ko ang volume setting tapos control sa isang volume ng tone control, wala namang distortion. Since morning gumagana na ito ng moderate volume level, (pero kung masilan ang kapit bahay ko baka binato na ako) di ko makitahan na nag-iinit ang power output stage ng amp.
ilan po bias current niyan sir? kaya po ba ng heatsink? thanks
ang ganda ng pagkagawa mo sis, lalo na sa pcb mo. ano gamit mo sis sa pcb layout plantsa method po ba?
Oo plantsa lang sir pero nakakapili ako ng magandang klase ng toner, di kasi lahat pwede.
anong klase ng paper ginamit mo sis?
Complete assembly na. Ran the whole day today, not found any abnormalities, very worth to build . Bottom view with my diskarte sa thermal sensor.
Best paper to use is "STAPLES" brand..Photo Basic Gloss Paper..