Fried na yung USB host controller. Nangyari na sa akin ito on my laptop kaya lang yung USB2.0 host controller lang ang nasira. Yung USB host 1.1 controller ok naman kaya lahat ng usb 2.0 devices di madetect as USB2.0 device.
Yung sa case mo siguro, mukhang isang chip lang ang usb2.0 at usb 1.1 host controller. Siguro, madalas ma-overdraw ng power yung usb port mo. Wag ka magkabit ng mga usb external hdd unless dalawang usb port yung pinagkukunan ng power. Yung mga 2.5HDD kasi, karamihan more that 500mA ang power requirement, eh 500 mA lang ang maximum current output ng isang USB port.