Buti pa kaming mga colorum engineers, walang ganun problema
wah... confirmed 1300 nga ang babayaran sa iecep... excessive fee ata ito ah... kun sa bagay ok lang din kapalit ng 6K na PF additional sa sahod per month...
Yes compulsary na! Grabe experience kosa IECEP Baguio pinabayaran lahat ng years na di ako member ng IECEP. Seven years and above daw na di ka member compulsary ka to pay the 7 years. Buti nga daw kahit 10+ years na ako na di member 7 years lang babayaran ko that is 7x350 (2450) + 3 years (1050) + courier fee 150 para madeliver ID sa bahay. Total na binayaran ko sa IECEP is 3650. Ang nakapagtataka mukhang kanya kanya ang mga IECEP chapters ng pagsingil don. Sa IECEP Manila naman pala eh yong 3 years lang ang babayaran. May mga kakilala ako na halos sunod sunod lang kaming nagparenew pero 1050 lang binayaran. Sa PRC naman nagrenew ako last 2005 or 2006 yta yon sabi nila convert na daw to electronics engineer need to pay 650 registration so nagbayd nman ako after ilang months sumulat PRC sa akin na di daw muna matutuloy ang conversion kaya pinabalik ulit ako para fill-up ulit ng forms (from Pangasinan pa ako so pamasahe ulit) pero di na binalik yong registration fee. Pagdating nman nitong 2010 at renew ulit ako kailangan na ng IECEP certificate of good standing at yon ang binayaran ko ng 3650 tapos sinisingil na naman ako ng registration fee for the conversion to electronics engineer. Wala daw silang record na nagbayad na ako. Pinaalala ko pa sa kanila na merong makapal na logbook na fill-up ko non para sa conversion at may picture pang requirement don tsaka dami na rin nakasign doon for conversion pero sabi nila wala daw silang record at sabi nila di pa nman dw implemented non ang conversion. Buti na lang naitago at nadala ko yong receipt ko nong nagbayad ako dati. Ayon naniwala sila na nagbayad na nga ako dati. Yong mga kasama ko kaya na nagbayad na rin dati naitago kaya nila receipt nila? Pag hindi sigurado marami ulit nagdoble ng bayad. Mga peeps suggest ko lang sa Manila na kayo renew para 1050 lang sisingilin ng IECEP sa inyo.
matagal-tagal na rin pala akong 'di nakakapag-renew, wala namang nakukuha e kahit t-shirt o payong man lang.
Kawawa naman mga minimum wage earner natin mga co-ECEs tsk tsk. Sana lang according na lang sa kinikita ng isang licensed ECE ang binabayad para naman mas affordable sa lahat. Mas worth pang i-renew ang CCNA kaysa sa ECE license na yan
San ba mapupunta yung mga binayad natin sa IECEP? saka anu ba yung makukuha natin pag naging member tayu ng IECEP except sa pagrerenew ng license? Anu ba yung mga naitulong nila sa mga members?
I tried to renew my license last week, then i was asked for my IECEP Certification of Good Standing, i asked where am i going to get that. I was given an address, which is just located in another building in front of the PRC, but when i arrive there, they are already closed [opens from 9:30am to 3:30pm]. I went back to PRC to ask if there are fees, then i knew about Php1,300. So i thought, OMG where the heck is this amount gonna go. I'm not an active IECEP member, and i'm not interested to become one. I just want to renew my license to have a valid government ID, the same purpose for an SSS ID. Why would they require us to pay this amount? and what benefits will they provide?