ginagamit ko lang yan as protection sa circuit na tini-test ko..for example, nili-limit ko lang yung maximun current na pwedeng i-output ng power supply,para in case na may mag-'short' sa circuit under-testing, wala ng ibang madadamay/masisirang parts,kasi magli-limit agad yung power supply..pero i think intended talaga yan na mag-act as current source (e.g. charger)..
ganun pala gamit nun.. sabi nung prof ko sa physics dati, pag umilaw daw yung CC, masisira daw yung supply...
pag sinabi bang constant current eh ang nagaadjust automatically is yung voltage?tipong pag sinet ko sa 20mA current tapos sinaksakan ko ng 1k resistor eh 20mA pa din ang reading, tapos pag 10k ang sinaksak kong resistor eh 20mA pa rin ang current tapos voltage ang magaadjust ?
mismo!
isa pa pala sa useful application niya (kung merong available), pagmagnetize ng screwdriver at iba pang tools. nagbabalot ako ng maraming wire sa lumang spool na maliit butas sa gitna. pasok yung screwdriver, lagay sa CC na pinakamataas tapos babad ng ilang minutes (kapag wala kasing CC, kailangan ng resistor tapos dami sayang na power). magnetized na yung screwdriver. minsan ginagawa ko yun sa long nose at diagonal cutter ng mga tech. siyempre yamot kasi hindi kumakalas yung mga ibang pinuputol at pinupulot.
ang lakas mang pikon ah
hehehe. lalo na nung sa supply ng LED na dumidikit yung pinutol (pero ayaw tanggapin as scrap metal, kahit kilo kilo na). e maraming pinuputol na paa ng LED, pagputol kailangan pang i-pagpag dahil purol na rin yung cutter.
ewan ko dun sa prof kong yun. kaya nga kapag nakikita naming umiilaw yung CC na yun, nagpapanic talaga kami para patayin yung PS.. tsk tsk tsk...
baka napalitan yung label ng CC imbis na OVERLOAD ....