Alam nyo ba na ang sensing nyan ay sa magnet at sa spring?Ganito yun:Pag nilagay mo yung kaserola, mag-compress yung spring sa loob ng thermostat, yung construction nyan ay merong metal sa gitna.Pag pinindot mo yung lever, may magnet sa dulo, maglalapat yung metal at yung magnet. Nao-on din yung switch para sa cooking.Yung sensing temp nyan ay nasa 134 deg c, at habang may tubig pa yan sa loob kahit kumukulo hindi tlaga aabot sa 134 deg c, yung boiling point ng tubig ay nasa 100 deg c lang. Pag wala ng tubig sa loob dahil nag evaporate na at yung iba ay naihalo na sa bigas, unti-unti ng tataas ang temp hanggang 134 deg c.Ang nangyayari rito ay sa ganitong temp humihina yung pwersa ng magnet sa metal kaya lumalakas yung pwersa ng spring para maitulak palayo sa metal yung magnet, samakatuwid, pag di na nakadikit yung metal sa magnet, pipitik pababa yung lever at maswitch-off yung cooking circuit (with the main heater).Yung "keep warm" nman laging naka-on yan pag nakasaksak yung rice cooker.
tnx bhong conde points to you..... yng isa nming rice cooker ayusin ko rin balitaan ko kyo result..... yng isa pinost ko na rice cooker pininturahan ko sya kasi medyo kalawang ang prob. lng na ngangamoy yng pintura pag uminit na kya di na nmin ginamit..... convert ko na lng na elctric lutuan.... pweding ikabit sa pwet ng rice cooker yng heating element instant lutuan.....
^ ask ko lang sis,, tulad nang sabi ni nucleus..may kinalaman din pala yun pwetan nang kaserola para di bumitaw yun contact point nang bi metal???sensya na po.. no idea talaga ko sa function nang rice cooker.. kaya gusto ko din matutuhan...