Hihingi lang po sana ng recommendations kung ano ang pinaka-okay na dual sim phone ngayon, specifically from brands like Nokia, Samsung, LG, etc. Medyo wala po kasi akong bilib sa mga CherryMobile, Torque, MyPhone, china phones dahil lahat ng na-experience ko from those brands e mababagal at madaling masira. In short, LowQual.
Ang best bet ko sa ngayon e yung Samsung Punch (Ch@t 322) dahil para na rin siyang blackberry ng nagtitipid. Qwerty na, may optical trackpad pa for less than 5k. Ang malungkot lang, wala siyang wifi (yung wifi sibling niyang si Ch@t 335, wala namang dual sim).
Yung Nokia C2-03 mukang ok din, kaso wala ata siyang navigation at menu buttons, asa lang sa touchscreen. Kaya pag nasira yung touchscreen niya (which is pretty likely), good as useless na ata siya at paglalaruan mo na lang yung numeric keypad niyang gumagana pa rin pero wala na ring silbi. Same reason na di ako natutuwa sa Samsung Champ DUOS with WiFi, iwas ako sa touchscreen dahil parang madaling masira. Pasmado pa naman kamay ko.
So far, sa Nokia at Samsung pa lang ako familiar kaya sa inyo muna ako aasa kung may mairerecommend kayo from other similar brands. Just don't forget to consider the price, please

Also, kung owner kayo nung mga nabanggit kong phones, paki-share na rin ang opinions niyo about it. Salamat.
