Last weekend, Iloilo City was given an ass kicking of epic proportions by Typhoon Frank. Napakabilis ng pagtaas ng baha na marami kaming gamit na hindi nalipat sa second floor. Anyway, since nalinis na rin namin ang bahay namin, I'm wondering on how to go about the recovery of some of the electrical appliances that suffered flood damage.
1. Panasonic Refrigerator - a new model that we just acquired last december. Lumutang ito at nang umalis na ang baha, nakahiga ito sa side niya. We just cleaned the inside as well as rinsed the housing of the compressor and circuits of mud. Wala akong idea kung napasok ng tubig ang circuit board nito and ayokong i-power up lang para i check.
Any ideas with regards to troubleshooting/checking and repair would be greatly appreciated.
2. Electric Sockets/Panel Board - lahat ng saksakan ko sa first floor ay napasok ng baha. Dapat ko bang palitan ang lahat? Ang sa panel board ko naman, dapat bang i pacheck ko sa electrician bago ko i power up?
3. Electric Pump - lubog talaga ito sa baha, at na libing pa sa putik nang magsubside ang baha. Dapat bang i dis-assemble lahat at linisin?
Any tips, ideas, suggestions would be helpful.
Ako ay nagpapasalamat at material lang na bagay ang nawala sa amin. Mas maraming tao ang sa mas malalang sitwasyon. Grabe talaga ang pinsala ni Frank sa Western Visayas dahil hindi talaga kami nakapaghanda kasi expected namin signal no. 1 lang kami.
Cheers.
