I am not sure if I'm on the right thread. Please transfer this topic if it's wrong.

Gusto ko po sanang mag-ambisyong gumawa ng parang examination checker.

Yung tipong, i-fefed mo lang ang answer sheet, malalaman na ng system kung ilan yung tama. Limited nga lang po sya sa Multiple Choice of course.

Kung minsan po kasi, tinatamad akong mag-check ng exams kaya na-dedelay yung mga grades nila.

Bali, ganito po sana yung process nya.
1. Merong software interface na dun mo i-seset yung mga tamang answers on that particular number plus the number of items and number of answer sheets na i-checheck.
2. I-fefed ang answer sheet sa printer. (Aaralin ko muna kung paano paikutin yung roller nya sa loob.

)
3. Meron pong nakakabit ng IR sensor (yung ginagamit sa mga mobots para i-detect ang black line) sa loob ng printer. Yun yung magsisilbing detector ng black dots. Yung answer sheet po is yung tulad po sa nakaraang election na mag-shade ng itlog.
4. After ma-sense ng sensor yung mga black dots, i-tatransmit nya ito sa MCU (any MCU or maybe arduino) na syang mag-tatransmit papuntang PC.
5. Dun na po sa PC yung processing kung equal ba yung letter na nase-sense ng IR sensir sa tamang sagot.
Gagamit lang po sila ng lapis tulad po nung last election para madali lang po i-erase. 
Feasible kaya ang project na ito mga sir?
And, any reaction po?
