tulong po mga master ano po kaya posibleng trouble nito. me ilaw nman ang standby power nya pero pag on ko sa remote ayaw magpower on.pro pag i-long press ko ang power button sa tv mismo mag-on pro shutt off agad, 1 second lang.d ko pa po nabuksan to.
hi jenny! welcome to elab!
1. technician ka po ba? kasi po pag hindi baka masaktan nyo sarili nyo kung di mo alam ginagawa mo.
kung oo, sagot mo sa 1st question ko, then buksan na iyan!
makakabuti kung magbibigay ng ibang detalye gaya ng history(sa iyo ba ang tv, pinaayos, ano nangyari bago nagkaganyan. Chassis number andyan lang sa board. model number - nasa likod ng tv ang kumpleto model. para iwas hula.
A. i-check ang tact switch at diode na malapit dito.
1. discharge mo muna anode cap mo.
2. discharge mo primary capacitor mo baka nag - hohold ng charge mapa aray ka.
3. test mo ang HOT(horizontal output transistor) kung shorted.(pede i-test on board - x10K sa resistance analog(VOM) preferably yung may 9 v at 2 AA batteries; kung may duda tanggalin(de-solder sa board at i-test uli)
4. obserbahan visually ang mga electrolytic capacitors kung may bulging(buntis).
5. obserbahan din kung may visually sunog na resistors, diodes etc.
6. tingnan mo rin, ang fbt kung may damage ba or body to wire.
7. wag kaligtaan ang crt/cpt board.
8. i-google ang main regulator datasheet(ex. strf6654 datasheet) base sa datasheet sukatin ang mga voltages sa mga paa(pin) kung tama or within range ang value). Pagtuunan ang feedback or Over Current Protection(OCP) or Over Voltage Protection. Maaaring ang transistor/optocoupler ang magbigay ng feedback para magshutdown(standby mode). Maaring ding manggaling ang signal ng shutdown sa System Control or UOC(mas madalas dito galing).
9. baka nasa B+ line or ABL ang abnormal condition kaya sukatin ang voltahe dito nasa board din kung how much voltage.
10. maaring ding nasa cpt / crt board ang salarin kaya nagbibigay message sa system control / UOC or microprocessor(philips) ng black-ing signal (no picture) baka naman may sound kasi di nabanggit ang buong detalye.