sa mga nakagamit na ng Software UART sa Industrial Environment, pwede po pahingi ng comment sa susceptibility or immnity to noise. Data will come from RS485 lines (mataas na immunity sa noise) pero worry ko pa rin kung may glitches at puro resend na lang yung master, baka masyadong matagal na ang communication.ang plano ko rather than taking a single sample of the bit, thrice ako kukuha ng sample (tulad ng hardware UART). medyo malaking time ang kukunin sa CPU ko pero mukhang mas immune to noise and false start bits.
hehehe. marami na rin akong nakitang ganun. terminal kasi yung dulo kaya bahala na yung nag-install. I'll be using standard UTP cables and magpapadaan din ako ng supply voltage like Power over Ethernet.mag-include talaga ako ng Checksum or CRC para ma-check talaga kung may error and use handshaking. iniiwasan ko lang na laging magkaroon ng resend dahil sa noise spikes kaya gagawa ako ng software filter. hindi pa kasi ako nakagamit ng interrupt based software UART on long distance transmission (mostly sa experiments lang) kaya uunahan ko na (proactive ) yung cases na magkakaroon ng spikes during sampling.