sir rurik thank you po sa reply.tanong lang po ulit...
pag pinalitan ko ba ng same diameter and length ok na ba ulit yun? babalik ba siya sa dating
tono nya? wala kasi akong swr meter. yun nga lang alanganin ako makahanap ng aluminum na 8mm ang outside diameter niya.may nabibili bang ganitong size sa raon?
naputol kasi mga 2inches mula sa may butas na nilalagyan ng screw. kung kulang ba ng mga 2 inches yung antenna makakasira ba ng radio.iniisip ko kasi na butasan na lang yung naputulan na upper element at ikabit ulit.?
kung same ang length, di magkakaroon ng problema sa swr. ang prublema nga lang baka hindi pareho ang diameter ng mabili mo, dalhin mo na siguro yung sample o yung lower tubing. tumingin ka muna sa mga aluminum supply. 8mm ba? outer diameter pa. parang maliit yata yan ah. di ba mga 0.5" OD yung upper tubing? baka yung diameter ng radials yung nakita mo.
kung kulang ng 2 inches, magbabago ang swr mo. mawawala sa tono at syempre di nalalayong masira ang radio mo, lalu na kung mataas ang output power.
or kung gusto mo, saksak mo yung 2 inches sa ilalim pero mag dugtong ka sa ibabaw. kaya lang pangit nang tignan. hehehe...