medyo malabo pala. hehehe. based on CMoy headphone amplifier, dinagdag ko lang 'yung buffer dahil at higher output currents, masyado ng mababa ang voltage swing ng OPA2134. originally, Class B Push Pull lang 'yung output, tapos naka-asa sa global feedback para ma-correct 'yung crossover distortion. ang problema, kapag merong mabilis ang variation na music, minsan hindi nakakasunod 'yung buffer.
ngayon Class AB na, pwedeng baguhin 'yung amount nung current source para kung gusto na mas malaki 'yung region ng Class A operation. lalaki nga lang 'yung idle current.
1/2 of the amp. mas mabilis ako mag-drawing sa notebook kaysa gumamit ng CAD. hehehe.

sa circuit ko ngayon, nagdagdag ako ng 22uF capacitors doon sa tabi ng resistor sa base para mas ma-maintain niya 'yung voltage sa base. present gain ko is 4.
ang problem lang kapag may amp, kahit sa gain na 4, rinig na rinig 'yung noise ng input device. 'yung iPod shuffle maingay ang output. 'yung laptop ko, kapag ginagamit ang hard drive rinig na rinig. 'yung PSP ang maganda ang output, tahimik. tahimik naman 'tong amp kapag walang input. hehehehe.
balak kong magdagdag ng common mode choke sa input nung amp ko. pero hindi ako sigurado kung may effect siya sa audio. theoretically and ideally, wala, pero sa actual hindi ako sigurado.