mas mataas pa pala rates ng programmers sa local companies compared sa outsourcingg, sa adb, minimum is 120k for jr progs at bibigyan ka pa nila ng kotse on your first day
wow ang laki $$$$$$$$$$$$$!!!!!!!!!!!!!!anong language naman kaya ang ginagamit jan?
sa tingin ko ndi naman siguro ganun "ka-tanga at ka-bobo" ang local company para magbigay ng 120k sa isang JUNIOR programmer!! pwera pa siguro jan ung benefits at may kotse pa..alam nating lahat na mababa ang pa-suweldo sa mga programmers.. kahit R&D ka pa.. madalas mas mataas pa sweldo nung nasa call-centre..pag sinabi kasing junior programmer ang experience niyan masyadong hilaw.. 1, 2 or 3.. actually nasa CADET Engineer ang katumbas niyan.. Trainee halos.. kaya nga Junior dahil under supervision pa ang trabaho niyan tapos ang sweldo niya 120k!! ..minimum pa iyan ah' kalokohan iyan..makakakuha ang company ng mga 5 ~ 6 na junior programmers.. at i-partition ung sweldo ng mga hanggang 18k ~ 20k.. marami pa ring junior programmers na kakagat jan.. kahit anong language pa iyan.. lahat naman kaya basta matiyaga at masipag mag-aral sa programming..ang kadalasan na range ng sweldo ng mga lead and senior programmers ay umaabot ng 60k ~ 80k.. kadalasan na nakikitang kong range ay 30k ~ 50k na nasa 7 yrs above experience (Local).. and then pag lumipat ng company dun sila nagdedemand ng mataas na sweldo..bihira nang umabot ng 100k ngayon not unless kung consultant ka na may halos 15yrs ang experience mo sa trabaho.. or kung abroad depende pa iyan sa qualifications and experience kung karapat-dapat ka sa 6 digits na sweldo..ngayon kung nagsasabi ka ng totoo.. sabihin mo at i-post mo dito kung anong local company iyan.. ung kumpletong pangalan ng company, telephone number at contact person.. para ma-confirm at ma-verify nga kung totoong 120k (Minimum) nga ang bigay at maitanong na rin kung anong klaseng junior programmer(s) ang requirements sa company na iyan..
kapag bank, typically SAP implementation ang isa sa nasa above average ang sweldo lalo na kung multinational bank like Deutsche Bank.