Electronics Lab Philippines

Electrical and Electronics Repair => Cellphone Repair (Cellphone Technicians Forum) => Topic started by: rockartlml on March 01, 2020, 05:55:53 PM

Title: Sony xperia XZ2 mobile data issue na parating naka EDGE at ayaw mag LTE
Post by: rockartlml on March 01, 2020, 05:55:53 PM
Guys,

Patulong po. Yung dating problema ayaw mag LTE at parating naka EDGE sa internet connection lang na ayaw gumana ng internet. unang paayusan sa greenhills, hinde nila maayos kasi ang phone ko under ng AU network sa japan tapos hnde nila kayang ayusin. open line naman ito na puwede sa smart at globe pero problema ang mobile data connection na parating naka edge na ayaw magbrowse. Tapos sa pangalawang paayusan, naayus niya na tipong hinde niya kinabit sa computer nila ang phone ko at wala siyang binaklas sa loob as in tipong may kinopya lang siya ng settings galing sa phone niya para ang phone ko maging LTE ang connection. Ang problema daw pag mareset mawala ang settings niya at babalik nanaman ak sa kanya para gawin niya ang settings ulit. ayaw niyang ituro sa akin paano gawin. guys gusto ko malaman na paano niya inayos yan tsaka kaysa babalik pa ak sa greenhills para gumastos ulit. lahat ginawa ko na lahat ng trouble shoot galing sa internet na tanggalin ang sim card at irestart, nagpatulong saglobe tech support na walang nangyari bago ako pinaayus ang phone ko.

thanks in advance sa magshare.
Title: Re: Sony xperia XZ2 mobile data issue na parating naka EDGE at ayaw mag LTE
Post by: Menshop on March 02, 2020, 02:12:04 PM
Try mopo ang dial code.
*#*#4636#*#
Tapos may lalabas Yan select phone information.
Then select preferred network type select LTE only.


Make sure pala na available ang LTE sa lugar nyo Kasi Kung Hindi Di Yan magkakaron ng signal pag ganun. Select mulang 3G or WCDMA only.. :) good lock Sana makatulong.