Electronics Lab Philippines

Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)

Offline sherlanmamaril

  • **
  • 2271
  • 80
  • Gender: Male
  • hungry for knowledge
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1340 on: November 10, 2015, 07:40:06 PM »
pede ako magtanun pag nasisisbak resistor connected sa opto ? 1/4 watts connected din say sa regulator ko , consider replacing na yung str? 
sensya kung ot pero pasama sa thread nato

Offline 576Pinoy_Tech

  • *****
  • 1454
  • 479
  • Gender: Male
    • My YT-Channel
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1341 on: November 11, 2015, 03:08:42 AM »
Noted po sir motion. Siguro po kung walang clamp winding, pwede ang 500V-rated transistor. Kaya pala,
medyo insistido yung article about 800-1000V transistors.

Other option... ganito yung sinasabi ko na pwedeng gawing ordinary clamp parang flyback mode...
Yung coil sa pinaka itaas hindi yan sa reset kondi trigger para sa soft-start lang.

typical industrial class forward smps used in many heavy duty office machines...


Offline sherlanmamaril

  • **
  • 2271
  • 80
  • Gender: Male
  • hungry for knowledge
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1342 on: November 11, 2015, 09:01:57 AM »
ang gagaling niyo naman po magbasa ng mapa paturu naman  po

Offline marcelino

  • *****
  • 6597
  • 312
  • ...keep moving forward! - Robinson's
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1343 on: November 11, 2015, 09:54:06 AM »
Other option... ganito yung sinasabi ko na pwedeng gawing ordinary clamp parang flyback mode...
Yung coil sa pinaka itaas hindi yan sa reset kondi trigger para sa soft-start lang.


Sis, di ko pa nga nadadigest yung clamp winding may bago ka nanaman na binigay! hehehe ;D ;D ;D

Papano ba yan sis magwork? kelan nagkaconduct yung SCR? during collapse ba nung primary coil?
"Don't take life seriously. After all, no one has ever come out of it alive. -Bugs Bunny"

Offline zirlou21

  • *******
  • 750
  • 84
  • Gender: Male
  • I wish there is GOD...
    • ARDUINO,ATMEL-AVR,ZILOG ENCORE,PIC..CIRCUITS/APPS
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1344 on: November 11, 2015, 03:47:13 PM »
 :) :) :)


...ang scr ay para sa inrush current proteksyon. basic scr operation pag ang gate
 ay more positive na compare to cathode mag conduct na ang scr bypassing a current
 limiting resistor.
...NO OFFENSE pls..usapang teknikal lang,walang personalan.....

Offline 576Pinoy_Tech

  • *****
  • 1454
  • 479
  • Gender: Male
    • My YT-Channel
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1345 on: November 12, 2015, 10:25:32 PM »
Sis, di ko pa nga nadadigest yung clamp winding may bago ka nanaman na binigay! hehehe ;D ;D ;D

Papano ba yan sis magwork? kelan nagkaconduct yung SCR? during collapse ba nung primary coil?

Papano ba yan sis magwork?
Pag sinaksak yata sa mains at di pumutok ibig sabihin pwedeng buo,,, pag pumutok lagot ka  ;D  ;D,,,
pag naman nangamoy requesan na lang ng bago kikita pa ang opisina  :D :D ... pero sipatin natin kung totoo ang hula ko

 kelan nagkaconduct yung SCR?

Yes sa scr ganun sa sinabi ni tito zirlow... makikita natin yung dot naka sync din sa primary dot kaya pag ang dot ng primary
ay ikinabit natin sa positive supply nanganaghulugan ang sa kabilang dot naman ay positive na din, yan ay kung same sila ang
direction ng windings, walang prob kung cw or ccw. Dahil nga naka sync, ibig sabihin kung mag ON ang Q001 mag induce na
rin yung coil ng para sa scr at mag ON na din sya sa moment na mag energize ang primary. Sort of delay na para ding mechanical
relay, ito nga lang parang ssr.

Pero bago yan simplihan muna natin ang mapa nakakalula kasi yung dami ng pyesa baka pumutok at di natin makita agad ang
dahilan... inalis ko na ang soft-start na ang pangunahing dahilan ay para sa main filter cap para di mag spark ang plug
kapag isinaksak sa outlet. Yan naman daw ay kung walang karga ang cap.   

 
 





Offline 576Pinoy_Tech

  • *****
  • 1454
  • 479
  • Gender: Male
    • My YT-Channel
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1346 on: November 12, 2015, 10:45:00 PM »
Sa operation naman ng whole ckt, sa kwento ng mga magsasabong sabi nila na yun daw mosfet pag na ON nangangahulugan na ang
primary coil dyan ay ikinakabit directly sa supply na kung saan ang dot ay direkta ng nakakabit sa positive at ang kabilag dulo naman
ay didikit sa negative sa pamamagitan ng DS ng fet kaya ang sa ibabang bahagi ay negative ang kalalabasan. Ayan walang duda,
may + at - na tayong coil na nakakabit direkta sa supply... pero teka iinit yan kaya dapat alisin din kaagad  :'(... ano-ano naman ang
nangyari sa mga katabing pyesa nung oras na nakakabit ang primary coil sa Vin? May ginawa ba silang tulong habang may nagdudusa
sa kabila?

Ayon, dahil ang dot daw sa pri ay positive, ang sa lahat ng dot ay magiging positive na rin, aba parang like pader & sun, tama ba!
At dahil nga naging positive ang dot sa secondary may ginawa naman pala yung diode D101A at hindi tutunga-tungangang katulad
ko   ;D  ;D. At pati yung L101 may nagawang tulong din naman pala dahil sa kanya dumaan ang patungo sa negative na bahagi, pero
ayaw nyang palusutin ang mga matutulis kusa nya itong inaalis, pero parang politiko din marunong kumupit ang loko. Hindi nya
papadaanin hangga't di sya nalalagyan, makikita natin yan mamaya... Aba kumita ngayon yung capacitor 103, taga tanggap lang pala
sya ng kung ano ang dadating sa kanya... naku may masiba sa dulo, inaabangan ng RL at sya kakain ng mga pinaghirapan ng lahat, huh!

Pero teka nawala yung iba eh nandyan sila dati, ba't nasan na ngayon? Easy lang tayo mga repapekpeks, natutulog pa daw sila dahil
hindi pa naman nila duty eh! Mamaya daw sila sa susunod na shift kasi panggabi daw sila eh araw pa naman daw...   

 

Offline 576Pinoy_Tech

  • *****
  • 1454
  • 479
  • Gender: Male
    • My YT-Channel
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1347 on: November 12, 2015, 11:14:08 PM »
Ayan tapos na ang pang-araw at dumating na ang mga pangkat ang panggabi, eh ano ang gagawin nila? Pero bakit
may mga natira pang pang-araw eh dapat tutulog naman sila ngayon kasi yung Q001 at D101A ay umuwi na ba't
nandyan pa yang L101, C103 at RL? May anomalya kaya? Silipin nga natin  :-\ .

Ay tinatanong kung ano daw ang gagawin ng mga panggabi samantalang wala na daw yung Q001 pati D101A. Sus,
ang bilin ng lola maglinis kayo ng kalat kasi dadating ang mga bisitang taga APEK kaya kung ano ang naiwan na hindi
kailangan dyan ay lilinisin daw nila, yan ang kabilinbilinan ng lola  >:( .  Ah, may mga kinupit itong NP at L101, kaya
dapat alisin yan at ng hindi nila pakinabangan. Trabaho kayo mga iho, linis mga panggabi at darating na naman ang
pang umaga dapat wala na silang maabutan... Ay sa paanong paraan? Sabi pa rin daw ng barbero pag inalis mo ang
supply ng NP biglang mag twist ang polarity ng coil at ang lahat ng positive dati ay magiging negative naman at ganun
din sa kabilang dulo mababaliktad. Aba masigla ang D003 at D101B, pumwesto lang sila ng tama kusa ng maalis ang
mga kinupit ng NP pati L101... At saan naman dinala ang itinapon ng D003? Ayun inilagay lang pala nya sa C007 at
bahala na daw yung cap na yun ang magtapon kung saan nya itatapon, aba may problema pala itong C007... Silipin
natin mamaya kung saan nya yan itatapon. At itong C103 tumanggap na naman pala ng regalo galing sa D101B kaya
wala syang pahinga ng katatanggap mapagabi man o araw trabaho lang sya ng trabaho  :P.. At yung nakulimbat
nitong L101 hindi nya pinakinabangan dahil hindi naman para sa kanya yan kondi sa masibang RL, sino ba yan  >:( .       

 

Offline marcelino

  • *****
  • 6597
  • 312
  • ...keep moving forward! - Robinson's
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1348 on: November 13, 2015, 02:02:09 PM »
Nakakatuwa naman. Kaabang-abang  any susunod na kabanata...
Sis pinoytech, kelan ba ang next episode? ;D
"Don't take life seriously. After all, no one has ever come out of it alive. -Bugs Bunny"

Offline motion55

  • *****
  • 3169
  • 520
  • Gender: Male
  • Been at this longer than you've been alive.
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1349 on: November 13, 2015, 03:25:27 PM »
Nakakatuwa naman. Kaabang-abang  any susunod na kabanata...
Sis pinoytech, kelan ba ang next episode? ;D



Ito ang dahilan kailangan ng clamp winding. C007 will charge to infinite voltage.
"Set your mind free!"

Offline marcelino

  • *****
  • 6597
  • 312
  • ...keep moving forward! - Robinson's
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1350 on: November 14, 2015, 07:13:18 AM »


Ito ang dahilan kailangan ng clamp winding. C007 will charge to infinite voltage.

thank you sir for pointing that up.
That's probably the reason why it has an equal number of turns. Basically to cancel that particular voltage.

Pero tanong ko din, bakit walang clamp winding yung regular designs ng forward mode converters?
I suppose, mag-ooperate naman kung wala. kelan kakailanganin ang clamp winding?
"Don't take life seriously. After all, no one has ever come out of it alive. -Bugs Bunny"

Offline marcelino

  • *****
  • 6597
  • 312
  • ...keep moving forward! - Robinson's
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1351 on: November 14, 2015, 07:15:38 AM »
@sis pinoy_tech, tuloy mo na yung kwento. ;D
"Don't take life seriously. After all, no one has ever come out of it alive. -Bugs Bunny"

Offline 576Pinoy_Tech

  • *****
  • 1454
  • 479
  • Gender: Male
    • My YT-Channel
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1352 on: November 14, 2015, 04:30:27 PM »
Pagnakakatulog ako nawawala ako sa momentum  ;D   ;D, madalas bumabalik ako sa umpisa at ang naalala ko
ay yung kwento ng magsasabong, ano na nga ba yun  ::) ... Ah! Yung C007 pala ang namumroblema sa itinapon
nitong D003 sa kanya at ang seste kung hindi nya ito aalisin mapupuno sya hanggang sa dumating ang oras na
hindi na sya tatanggap ng kung ano mang itatapon nitong D003 dahil hindi na nya kaya pa, pero magkamag-anak
pala itong C007 at C103 at naikwento nitong C103 na hindi naman sya namumroblema na katulad nyang sa yong C007.
Eh ano ba yan at di ka nagkakaproblema? Sagot nitong C103, semple lang C007 maglagay ka ng masibang katulad
ng nakakabit sa akin na RL at tyak solve yang problema mo. Ayun, at kadaka-dakang nagtawag naman itong C007
ng mga kapatid nitong RL, at hindi lang isa kondi dalawa pa. Ngek, pwede namang isa ba't nga dalawa. Sagot nitong
C007, baka kasi dumating ang bagyong yolanda maganda na yung may pinaghahandaan. Eh tanong nitong C103,
bakit hindi ba mabigat ang ibinabato sa yo ng D003. Sagot, oo eh kasi maliit lang naman sa ngayon kasi si Q001
pag pumasok halos mag time-in lang at uuwi na rin kaagad kaya kami ni D003 halos kukuya-kuyakoy lang at paselfi-selfie
lang dito eh maliit lang naman kasi ang ikinakalat nitong si Np kaya ayos lang. Sumagot itong si C103, naku kaya
naman pala hindi kayo masyadong pwersado pero nakikita ko konte lang din ang kinakain nitong RL ko baka dahil
dun may kinalaman sya sa trabaho nitong Q001, hindi kaya? Pwede bang isumbong natin sa management yan kasi
parang hindi makatarungan na yang Q001 ay papasok lang at uuwi din kaagad ng madali samantalang kayong
C007 at D003 ay hanggang sa susunod na duty na naman, eh ano bang klaseng duty yan kung ang cycle ng trabaho
na yan eh mas maikli ang sa Q001 kesa sa inyo? Sagot nitong dalawang panggabi, naku wag na at baka magalit yang
Q001 na yan at magsagad ng trabaho yan at di namin kayanin ang gagawin nyang kalat   ???.  Pero alamin natin
kung magkasabwat nga ba yang RL mo at Q001 kasi mahaba ang pahinga sa ngayon nitong Q001 at sana malaman
din natin kung hanggang saan ang pinakamahaba nyang duty para mapaghandaan naming C007, R011, R016 yang
gagawing kalat nitong Np at kung hindi namin kakayanin tatawag pa kami ng tulong sa kabilang barangay.

Pero teka habang wala si Q001 magse-selfie muna kami ni C007 at D003 kaya magpo-pose muna kami ng maganda
at nag pose na din ng maayos ang mag imbitado naming R011 at 016 para madali kaming mapansin sa mata ng madla.

             

Offline >>>^żżż^<<<

  • *****
  • 13845
  • 706
  • żżż
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1353 on: November 14, 2015, 05:57:47 PM »
Ayun , galing.


Wala pa namang welga dyan sir pt?
http://www.elab.ph/index.php?topic=52236.0 TF?
http://www.elab.ph/index.php?topic=41860 ? ? ? DIY traffo Test Build Uli
http://www.elab.ph/index.php?topic=33717  I2c / spi programmer
http://www.elab.ph/index.php?topic=37150.0 Lcr esr makikigulo rin ba kayo ??? Test Build
http://www.elab.ph/index.php?topic=29963.0 Esr collection na malamig
http://www.elab.ph/index.php?topic=25854.0 Basic C++ Programming Tutorials by Prof Asimo
We only live once,treasure those we love, make friends not enemies and keep our family closer. And we will be at peace.
FISH

Offline congressman

  • ****
  • 4772
  • 324
  • Gender: Male
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1354 on: November 14, 2015, 06:12:57 PM »
Calling caricature expert jan itranslate yung kwento ni sis pt. ;D para sa mga newbies gaya ko. :)
Peace!

Offline >>>^żżż^<<<

  • *****
  • 13845
  • 706
  • żżż
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1355 on: November 14, 2015, 06:20:16 PM »
Nandun na Loh ginawan lang ng kwento ni sir Pt, circuit analysis using how component will behave in a circuit.
http://www.elab.ph/index.php?topic=52236.0 TF?
http://www.elab.ph/index.php?topic=41860 ? ? ? DIY traffo Test Build Uli
http://www.elab.ph/index.php?topic=33717  I2c / spi programmer
http://www.elab.ph/index.php?topic=37150.0 Lcr esr makikigulo rin ba kayo ??? Test Build
http://www.elab.ph/index.php?topic=29963.0 Esr collection na malamig
http://www.elab.ph/index.php?topic=25854.0 Basic C++ Programming Tutorials by Prof Asimo
We only live once,treasure those we love, make friends not enemies and keep our family closer. And we will be at peace.
FISH

Offline congressman

  • ****
  • 4772
  • 324
  • Gender: Male
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1356 on: November 14, 2015, 10:04:07 PM »
Parang komiks version mas maganda.
Peace!

Offline DC Sounds

  • *******
  • 537
  • 79
  • smoke weed & free you mind!!
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1357 on: November 14, 2015, 10:27:49 PM »
Pagnakakatulog ako nawawala ako sa momentum  ;D   ;D, madalas bumabalik ako sa umpisa at ang naalala ko
ay yung kwento ng magsasabong, ano na nga ba yun  ::) ... Ah! Yung C007 pala ang namumroblema sa itinapon
nitong D003 sa kanya at ang seste kung hindi nya ito aalisin mapupuno sya hanggang sa dumating ang oras na
hindi na sya tatanggap ng kung ano mang itatapon nitong D003 dahil hindi na nya kaya pa, pero magkamag-anak
pala itong C007 at C103 at naikwento nitong C103 na hindi naman sya namumroblema na katulad nyang sa yong C007.
Eh ano ba yan at di ka nagkakaproblema? Sagot nitong C103, semple lang C007 maglagay ka ng masibang katulad
ng nakakabit sa akin na RL at tyak solve yang problema mo. Ayun, at kadaka-dakang nagtawag naman itong C007
ng mga kapatid nitong RL, at hindi lang isa kondi dalawa pa. Ngek, pwede namang isa ba't nga dalawa. Sagot nitong
C007, baka kasi dumating ang bagyong yolanda maganda na yung may pinaghahandaan. Eh tanong nitong C103,
bakit hindi ba mabigat ang ibinabato sa yo ng D003. Sagot, oo eh kasi maliit lang naman sa ngayon kasi si Q001
pag pumasok halos mag time-in lang at uuwi na rin kaagad kaya kami ni D003 halos kukuya-kuyakoy lang at paselfi-selfie
lang dito eh maliit lang naman kasi ang ikinakalat nitong si Np kaya ayos lang. Sumagot itong si C103, naku kaya
naman pala hindi kayo masyadong pwersado pero nakikita ko konte lang din ang kinakain nitong RL ko baka dahil
dun may kinalaman sya sa trabaho nitong Q001, hindi kaya? Pwede bang isumbong natin sa management yan kasi
parang hindi makatarungan na yang Q001 ay papasok lang at uuwi din kaagad ng madali samantalang kayong
C007 at D003 ay hanggang sa susunod na duty na naman, eh ano bang klaseng duty yan kung ang cycle ng trabaho
na yan eh mas maikli ang sa Q001 kesa sa inyo? Sagot nitong dalawang panggabi, naku wag na at baka magalit yang
Q001 na yan at magsagad ng trabaho yan at di namin kayanin ang gagawin nyang kalat   ???.  Pero alamin natin
kung magkasabwat nga ba yang RL mo at Q001 kasi mahaba ang pahinga sa ngayon nitong Q001 at sana malaman
din natin kung hanggang saan ang pinakamahaba nyang duty para mapaghandaan naming C007, R011, R016 yang
gagawing kalat nitong Np at kung hindi namin kakayanin tatawag pa kami ng tulong sa kabilang barangay.

Pero teka habang wala si Q001 magse-selfie muna kami ni C007 at D003 kaya magpo-pose muna kami ng maganda
at nag pose na din ng maayos ang mag imbitado naming R011 at 016 para madali kaming mapansin sa mata ng madla.

             

sana ganito nalang ang mga explanation nakakatuwang basahin para comics...


 
cry, cry and cry until you die...

Offline >>>^żżż^<<<

  • *****
  • 13845
  • 706
  • żżż
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1358 on: November 14, 2015, 10:31:56 PM »
Aliwan o Panorama?  ::)
http://www.elab.ph/index.php?topic=52236.0 TF?
http://www.elab.ph/index.php?topic=41860 ? ? ? DIY traffo Test Build Uli
http://www.elab.ph/index.php?topic=33717  I2c / spi programmer
http://www.elab.ph/index.php?topic=37150.0 Lcr esr makikigulo rin ba kayo ??? Test Build
http://www.elab.ph/index.php?topic=29963.0 Esr collection na malamig
http://www.elab.ph/index.php?topic=25854.0 Basic C++ Programming Tutorials by Prof Asimo
We only live once,treasure those we love, make friends not enemies and keep our family closer. And we will be at peace.
FISH

Offline congressman

  • ****
  • 4772
  • 324
  • Gender: Male
Re: Lahat ng questions related sa Switched-Mode Power Supply (SMPS)
« Reply #1359 on: November 14, 2015, 11:23:22 PM »
Aliwan o Panorama?  ::)
Hiwaga,...hiwaga reveals by sis pt.
Peace!