Electronics Lab Philippines

Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube

Offline nataniel

  • ******
  • 413
  • 11
Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« on: November 17, 2016, 10:01:19 PM »
Help po kung ano problem ng aircon. Ang psi po sa liquid line bago mag expantion valve ay  176 psi at ang actual temp. Sa tubo gamit termometer ng digital multi tester ay 90f. tapos ang pressure naman pagka lagpas ng capillary tube bago pumasok sa evaporator ay 9psi lang. Tapos yun temp. Nya pagkalabas ng evaporator (suction line) ay 86f. Ang temp. Naman na nasukat ko sa discharge line, pagkalabas sa compressor papasok sa condenser ay 130f. Hindi po lumalamig yun aircon. Yun condenser ay wala din naibubuga na init. Ok naman yun fan. Nilagyan ko po ito ng pito bago mag expansion valve at bago pumasok sa evaporator. Sana matulungan nyo ako

Offline dione

  • *****
  • 165
  • 10
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #1 on: November 18, 2016, 12:02:34 AM »
ibig sabihin nagyeyelo ang evaporator?,nagrecharging kana ba ng freon?

Offline nataniel

  • ******
  • 413
  • 11
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #2 on: November 18, 2016, 11:03:33 AM »
Hindi naman po totaly yelo, frozing lang po. Ang hitsura po nya ay parang snow lang sya. Pag pinatay mo yun unit ay agad din nawawala, tapos biglang magtutubig at tutulo. Di po ba pag sinabing nagyeyelo ay pag kinaskas mo sya ay medyo matigas at di basta natatanggal? Ang problem nito dati ay naubusan ng freon kaya di lumalamig. Kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng pito don sa may nakaabang na paglalagyan ng pito. Paglabas ng condenser, don mismo sa likuran ng liquid line filter/expansion valve. Medyo mataas yun reading sa may liquid line, kaya naglagay ako ng temporary na persing valve pagkalagpas ng capillary tube. Bago pumasok sa evaporator. Ano kaya problem nito. May kunti pa itong leak kaso diko pa nakikita. Ang focus ko ay makita ko muna na lumamig yun unit. Bakit hindi umaabot ang pressure ng 65psi. Bakit mababa? Tama naman yun dami ng freon kasi ginamitan ko ng timbangan at sinunod ko yun nakasulat na dami ng freon. Base on spec ng unit.330g.

Offline dione

  • *****
  • 165
  • 10
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #3 on: November 18, 2016, 08:16:41 PM »
mlamang kulang pa yan ng freon kc hindi pa nag bck froze ,r22 ang freon nito?kung nabbawasan o bumaba aang karga malamang may singaw ang copper tube eithr saa condenser or sa evaporator,

Offline nataniel

  • ******
  • 413
  • 11
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #4 on: November 18, 2016, 11:02:55 PM »
Diba pag may leak sya kahit paano ay lalamig sya tapos mga ilan oras o araw pa  bago sya hindi lalamig? Diko makita yun leak. Nilagyan ko na ng tubig na may sabon at pinabula ko para makita ko yun leak pero hindi ko makita. Pero diba dapat lalamig sya at mainit dapat yun buga sa condenser? Hindi naman siguro mauubos kaagad yun freon para mag snow yun tubo sa pagkalagpas ng capillary tube

Offline nicos

  • ******
  • 418
  • 13
  • Gender: Male
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #5 on: November 18, 2016, 11:34:37 PM »
anu po suction pressure
"things should be made as simple as possible, but not any simpler"

Offline nataniel

  • ******
  • 413
  • 11
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #6 on: November 19, 2016, 09:03:24 AM »
Yun pagkalagpas ng capillary tube, nasa pagitan ng evaporator at capillary tube. Bago pumasok ng evaporator, don ko nilagay yun pito. Hindi ba suction line narin yun? Ang reading ko don ay 9psi. Hindi sya umabot ng 65psi. Ang ibig mo sabihin ba ay ilagay ko ang pito pagkalagpas ng evaporator bago sya makarating ng reservoir tapos compressor. Ganon po ba? Wala ako makita na leak. Pero sa vacuuming ko ay may leak talaga sya. Pero medyo matagal naman bago bumalik yun pointer ng gauge. Pag tinanggal ko ba yun cover ng condenser ay makita ko kaya don ang leak. Ang gusto ko sana ay mapalamig ko muna at mawala yun nagi-snow sa tube bago ko hanapin yun leak. Kasi kung makita ko man leak at sira naman pala compressor ay hindi narin magagawa yun aircon. Kasi medyo mahal compressor

Offline nataniel

  • ******
  • 413
  • 11
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #7 on: November 19, 2016, 12:40:18 PM »
Correction ko pala don sa nabanggit ko na reservoir, accumulator po pala ang ibig ko sabihin

Offline dione

  • *****
  • 165
  • 10
Re: Frozen yun line pagkalagpas ng capillary tube
« Reply #8 on: November 19, 2016, 07:35:21 PM »
dun ka maglagay ng acces valve pagkalampas ng accumulator galing compresor suction,kung duda ka sa compressor lagyan mo nng access valve ang high side at sukatin mo ang pressure habang naka power on  ang  aircon,kung bamaba sa 450 ang pressure sa high side ibig sabihin compressor ang sira.