Electronics Lab Philippines

12 leads dual voltage 3-phase motor

Offline Johannah Aleksandria

  • ***
  • 3616
  • 197
  • Make it simple
12 leads dual voltage 3-phase motor
« on: July 02, 2020, 04:35:56 PM »
Meron kaming supply sa barko na 220v 3-phase at meron din 440v 3-phase.
merong 5hp na motor na dual voltage 220/440 12 leads. Ano ba ang mas mainam na gamitin 220v 0 440v.
Pwede na bang delta connection na lang agad ang gawin o kailangan talaga ng wye-delta.
Limang motor ito kaya pinag-iisipan namin kung paano makatipid at hindi stress ang motor. Matipid talaga pag delta connection lang, isang contactor lang kailangan, pero sabi nila mas mabilis masira ang motor. Kung wye-wye naman dalawang magnetic contactor lang ang gamit, pero dapat 380v lang ang supply, medyo sobra ang 440v. Pag wye-delta naman kailangan ng 3 magnetic contactor at meron pang timer, magastos, pero maganda para sa motor at sa supply na generator.
Generations come and generations go, but the world stays just the same. What has happened before will happen again.

Offline rage3657

  • ******
  • 360
  • 23
  • Gender: Male
Re: 12 leads dual voltage 3-phase motor
« Reply #1 on: July 03, 2020, 02:55:37 AM »
ako from 10HP pataas lang ako mag reduced voltage starting. kaya kung sakin yan pwede na direct on line yan. kaya 12 leads yan in dual voltage, para at low and high voltage pwede mag wye-delta, kung low voltage gamitin mo naka parallel delta, kung high voltage series delta. Yung wye sa starting lang, parallel wye sa low voltage at series wye sa high voltage.. baka mali rin ako tagal nako hindi na a-alaktrician eh. yung 2 contactor sa wye-wye di ako sure ano purpose mo. pwede nmn isa lang kung hindi ka mag wye-delta.
bong

Offline Johannah Aleksandria

  • ***
  • 3616
  • 197
  • Make it simple
Re: 12 leads dual voltage 3-phase motor
« Reply #2 on: July 09, 2020, 09:14:36 PM »
yung wye-wye nakita ko sa dating gawa ng iba, sa isang hindi dual voltage, 220 lang na motor pero ginamit yung 380. May nabasa kasi ako na mula 5hp mas mainam na ang wye-delta. Sabagay na try na na direct online delta di naman nagrereklamo ang engine.
Generations come and generations go, but the world stays just the same. What has happened before will happen again.

Offline rage3657

  • ******
  • 360
  • 23
  • Gender: Male
Re: 12 leads dual voltage 3-phase motor
« Reply #3 on: July 10, 2020, 03:52:38 AM »
pwede nga rin namn yung wye-wye kung yung each single winding ay rated 220 then ang available power supply is rated 380.

pero kung ang available is 220 or 440V, dapat ang preference yung 440 dahil lower current consumption.

each winding rated 220, kaya kung naka series ang 2 windings rated 440 na line to line. in one big delta.

yung motor rated sa 440-460 60 Hz, pwede namn supplyan ng 380 basta 50 Hz ang frequency.
bong

Offline Johannah Aleksandria

  • ***
  • 3616
  • 197
  • Make it simple
Re: 12 leads dual voltage 3-phase motor
« Reply #4 on: July 11, 2020, 09:25:49 AM »
nagtaka nga rin ako nung una sir bakit nag wye-wye, inisip ko baka naka-9 leads. Ang advantage nito sa nakita ko, pwedeng maliit lang na contactor ang gamitin. Ang sa wye-wye kasi, yung unang winding lang muna ang gagana, tapos yung pangalawa ang naka timer. Ganun din ang kalabasan na power. So kung configured sa 220 parallel yung winding, sa wye-wye, yung isang contactor lang malaki para sa total power, at yung isa maliit na lang.
Yung voltage kasi sa barko ay di accurate na magbibigay ng 220 o 440, kadalasan 200vac lang kaya 400vac lang din yung mataas, na sa palagay ko ay ok lang sa wye-wye na dapat 380vac lang.
Ang problema kasi sa DOL, ay pag reverse-forward, at pabigla-bigla ang forward-stop-reverse, umaangal yung engine dahil sa current spike, lalo na sa mga direct-drive( sa docking).
Generations come and generations go, but the world stays just the same. What has happened before will happen again.